Mga Dapat Taglayin Ng Mga Diyos At Diyosa
Mga dapat taglayin ng mga diyos at diyosa
Ang mga bathalang sinasamba ng mga bansa noon at hanggang sa ngayon ay mga likha ng tao, mga katha ng di-sakdal at "walang-isip" na mga tao, anupat "ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kasiraan ay ginawa nilang isang bagay na tulad ng larawan ng taong may kasiraan at ng mga ibon at mga nilalang na may apat na paa at mga gumagapang na bagay." (Ro 1:21-23) Kaya naman hindi kataka-taka na mababanaag sa mga bathalang ito ang mismong mga katangian at mga kahinaan ng kanilang di-sakdal na mga mananamba. Ang isang terminong Hebreo na ginagamit upang tumukoy sa mga idolo o huwad na mga diyos ay literal na nangangahulugang "walang-silbing bagay" o "walang-kabuluhang bagay."—Lev 19:4; Isa 2:20.Tinutukoy ng Bibliya si Satanas na Diyablo bilang ang "diyos ng sistemang ito ng mga bagay." (2Co 4:4) Malinaw na makikitang si Satanas ang "diyos" na tinutukoy rito sapagkat sinasabi ng kasunod na bahagi ng talata 4 na 'binulag ng diyos na ito ang mga pag-iisip ng mga di-sumasampalataya.' Sa Apocalipsis 12:9, sinasabing 'inililigaw niya ang buong tinatahanang lupa.' Kontrolado ni Satanas ang kasalukuyang sistema ng mga bagay, pati na ang mga pamahalaan nito, at ipinahihiwatig ito ng bagay na naialok niya kay Jesus ang "lahat ng mga kaharian ng sanlibutan" kapalit ng "isang gawang pagsamba."—Mat 4:8, 9.
Comments
Post a Comment